Tuesday, January 31, 2006

Paglaya

Tuwing ika'y nawawalan
Wari mo ba ika'y kulang
Ang dating buo, ngayon ay pira-piraso
Para bang kay layo na ng paraiso
Ngunit panahon lamang ang makapagsasabi
Kung ang nawala nga ba ay importante
Di nga ba't madali tayong masilaw
Sa mga bagay na madaling maagaw?

Panibugho man o tunay na pagiingat
Sasaan pat ikaw ri'y mamumulat
Hanggang sa huli mababatid mo
Sayang lang ang pagsusumamo
Sapagkat matapos ang pagkawala
Ano pa't ito'y lilimutin din ng diwa
Pakawalan mo kaibigan
Ang presong iyong tangan
Dahil sa kahuli-hulihan
Ikaw din ang bihag 'nyan.

No comments: